DepEd Memorandum No. 074, s. 2022
Kapasiyahan ng Komisyon sa Wikang Filipino sa Pagpapatigil ng Paggamit ng Filipinas at Pagbawi sa Pinagtibay na Kapasiyahan Kalupunan ng mga Komisyoner Blg. 13-19 serye ng 2013
26 AUG 2022
DepEd MEMORANDUM
No. 074, s. 2022
KAPASIYAHAN NG KOMISYON SA WIKANG FILIPINO SA PAGPAPATIGIL NG PAGGAMIT NG FILIPINAS AT PAGBAWI SA PINAGTIBAY NA KAPASIYAHAN KALUPUNAN NG MGA KOMISYONER BLG. 13-19 SERYE NG 2013
Sa mga: Direktor ng Kawanihan
Direktor ng mga Rehiyon
Tagapamanihala ng mga Paaralan
Pinuno ng mga Pampubliko at Pribadong Paaralan
1. Bilang tugon ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd), sa Kapasiyahan ni Komisyoner Arthur P. Casanova, Tagapangulo, Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) at Kalupunan ng mga Komisyoner Blg. 21-18, serye 2021 na nilagdaan at pinagtitibay ang kapasiyahan sa pagpapatigil ng paggamit ng Filipinas, at pagbawi sa pinagtibay na kapasiyahan kalupunan ng mga Komisyoner Blg. 13-19, serye 2013, itinatakda ng Kagawaran ang mga sumusunod:
a. Ibalik ang paggamit ng Pilipinas sa proseso ng pagtuturo at pagkatuto higit sa paggamit ng Pilipino kapag ang tinutukoy ay mamamayan at kultura ng Pilipinas dahil ang opisyal na pangalan ng bansa ay Pilipinas at hindi Filipinas na pinatutunayan ng pinakamataas na batas ng bansa, ang 1987 Konstitusyon;
b. Hindi na kailangang baguhin ang mga kagamitang nailimbag na tulad ng Aklat, Self-Leaming Module, Weekly Home Leaming Plan, Learning Activity Sheets at iba pang uri bago pa ang paglalabas ng memorandum na ito. Iwasto na lamang ng mga guro at kawani habang ginagamit sa proseso ng pagtuturo; at
c. Gamitin ang wastong baybay na itinakda ng KWF sa mga kagamitang panturo at korespondensiya opisyal na ilalabas pa lamang.
2. Kalakip ng Memorandum na ito ang kapasiyahan ng KWF bilang batayan. Inaasahan ang malawakang pagpapabatid at pagpapalaganap ng kapasiyahang ito sa lahat ng paaralan at tanggapan ng Kagawaran.
3. Para sa iba pang detalye at impormasyon, maaaring makipag-ugnayan sa Kawanihan sa Linangan ng Pagkatuto, Kagawaran ng Edukasyon sa email bld.tld@deped.gov.ph o sa telepono bilang (02) 8687-29-48.
4. Hinihiling ang maaga at malawakang pagpapalaganap ng Memorandum na ito.
Alinsunod sa awtoridad na iginawad ng Kalihim:
(SGD) EPIMACO V. DENSING III
Pangalawang Kalihim at Puno ng Estado Mayor
Encls.:
Gaya ng nasasaad
Sanggunian:
Wala
Ilalagay sa Palagiang Talatuntunan sa ilalim
Ng mga sumusunod na paksa:
BUREAUS AND OFFICES
CHANGE
EMPLOYEES
LANGUAGE
Learning Area, FILIPINO
SCHOOLS
TEACHERS
(Kalakip sa Memorandum Pangkagawaran Blg. 074, s. 2022)
Republika ng Pilipinas
Tanggapan ng Pangulo
KOMISYON SA WIKANG FILIPINO
KAPASIYAHAN NG KALUPUNAN NG MGA KOMISYONER
BLG. 21-18
Serye 2021
PINAGTITIBAYA NG KAPASIYAHANN G 'PAGPAPATIGILN G PAGGAMIT NG "FILIPINAS" AT PAGBAWI SA PINAGTIBAY NA KAPASIYAHAN KALUPUNAN NG MGA KOMISYONER BLG. 13-19 SERVE NG 2013
SAPAGKAT ang opisyal na pangalan ng bansa ay Pillpinas" at hindi Filipinas na pinatutunayan ng pinakamataas na batas ng bansal ang 1987 Konstltusyon at ng iba pang legal na mga dokumento ng tulad ng opisyal na pasaporte, oprsyat na mga sagisag, selyo, at iba pa;
SAPAGKAT, nagkaroon ng malawakang pag utol sa pagpapalit ng pangaJan na Fllipinas· sa halip na "Pilipinas" na mababasa sa mga iptnalabas na mga pahayag ng mga institusyon tulad ng. Unibersidad ng Pilipinas mga organi asyon1 pahayagan, at website;
SAPAGKAT, ang mismong Tanggapan ng Pangulo ng Pilipinas sa pamamagitan ng dating Pangalawang Kalihim Manuel Quezon 111n, a ang opisyal na titulo ng Pangulo ay Pangulo ng Pilipinas at hindi Pangulo ng Filipinas;
SAPAGKAT, ang pagpapalit ng "Filipinas11 sa 41Pilipinas" ay nagdulot lamang ng pagkal.ito sa mga mag-aaral at pag,kaltgalig at hidwaan sa maraming mamamayang Pilipino;
NGAYON SAMAKATUWID, IPINAPASIYA gaya ng ginagawang pagpapasiya na ibafik ang gamit ng "Pilipinas" habang ipinatitigil ang paggamit ng “Filipinas”
IPINAPASIYA pa na ibalik ang paggamit ng Pilipino" kapag ang tinutukoy ay mamamayan at kultura ng Pilipinas;
IPINAPASYA rin ang pagkakaroon ng matawa ang pagpapabatid at pagpapalaganap ng Kapasiyahang ito;
PINAGTIBAY ng Kalupunan ng Komisyoner sa pamamagitan ng espesyal na pulong ng Kalupunan ng mga Komisyoner na ginanap ngayong 28 Hunyo 2024.
(SGD) KOM. ARTHUR P. CASANOVA
Tagapangulo
Komisyoner para sa Wikang Tagalog
(SGD) KOM. CARMELITA C. ABDURAHMAN
Komisyoner para sa Wikang Samar-Leyte
(SGD) KOM. LORNA E. FLORES
Komisyoner para sa mga Wika ng
Katimugang Pamayanang Kultural
KAPISYAHAN NG KALUPUNAN NG MGA KOMISYONER
BLG. 21-28
Serye 2021
(SGD) KOM. ALAIN RUSS G. DIMZON
Komisyoner para sa Wikang
Hiligaynon
(SGD) KOM. JIMMY B. FONG
Komisyoner para sa mga Wika ng
Kahilagaang Pamayanang Kultural
(SGD) KOM. ANGELA E. LORENZANA
Komisyoner para sa Wikang Bikol
(SGD) KOM. ABRAHAM P. SAKILI
Komisyoner para sa mga Wika ng
Muslim Mindanao
(SGD) KOM. HOPE S. YU
Komisyoner para sa Wikang Sebwano
PINATUTUNAYAN NG NAKALAGOA SA IBABA NA ANG KAPASIYAHAN BLG. 21-18 AY PJNAGTIBAY NG KALUPUNAN NG MGA KOMISYONER NG KOMISYON SA WIKANG FILIPINO
(SGD) ARTHUR P. CASANOVA, PhD
Tagapangulo
Copy of full DepEd Memorandum No. 074, s. 2022:
0 Comments