DepEd Memorandum 038, s. 2024
Buwan Ng Wikang Pambansa 2024
JUL 31 2024
MEMORANDUM PANGKAGAWARAN
Blg. 038, s. 2024
BUWAN NG WIKANG PAMBANSA 2024
Sa mga: Ikalawang Kalihim
Kawaksing Kalihim
Direktor ng Kawanihan
Direktor ng mga Rehiyon
Tagapamanihala ng mga Paaralan
Pinuno ng mga Pampubliko at Pribadong Paaralan
1. Alinsunod sa itinakdang Proklamasyon Big. 1041, s. 1997, ang Buwan ng Wikang Pambansa 2024 ay ipagdiriwang sa Agosto 1-31, 2024 sa pangunguna ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF).
2. Para sa sabayang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa, ipinatutupad ang KWF Kapasiyahan ng Kalupunan Big. 08-02 Serye 2024 na nagtatakda ng temang “FILIPINO: WIKANG MAPAGPALAYA” na naglalayong ilaan ang Agosto bilang lunsaran ng mga pagpupunyagi sa kasaysayan ng bansa at mga wika.
3. Layunin ng Buwan ng Wika 2024 ang sumusunod:
a. Ganap na maipatupad ang Pampanguluhang Proklamasyon Big. 1041;
b. Maiangat ang kamalayan ng mga mamamayang Filipino ukol sa wika at kasaysayan nit6;
c. Mahikayat ang iba't ibang ahensiyang pampamahalaan at pampribado na makiisa sa mga programang tulad nito na nagpapataas ng kamalayang pangwika at sibiko;
d. Maganyak ang mga mamamayang Pilipino na pahalagahan ang mga wika ng Pilipinas sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok sa mga gawain kaugnay ng Buwan ng Wikang Pambansa; at
e. Maipalcilala sa mga mamamayang Filipino ang KWF bilang ahensiya ng pamahalaan na nangangalaga sa mga wika ng Pilipinas sa pamamagitan ng mga programang pangwika nito.
4. Makikita sa kalakip ng memorandum na ito ang mga suhestiyong gawain na hinati-hati sa limang lingguhang tema para sa isang buwang pagdiriwang:
Petsa | Tema |
Agosto 1-3 | Filipino Sign Language (FSL) tungo sa lngklusibo sa Pambansang Kaunlaran |
Agosto 5-10 | Sistematiko at maka-Agham na Pananaliksik tungo sa Pambansang Kaunlaran |
Agosto 12-17 | Paggamit ng Indigenous Knowledge System and Practices IKSP sa Scientific Research |
Agosto 19-23 | Katutubong Wika sa Pagpapaunlad ng Edukasyon Pambansa |
Agosto 26-31 | Paglaban sa Misinformation (fact checking) |
5. Sa pagsasagawa ng mga nabanggit na gawain, dapat tiyakin ang pagtalima sa DepEd Order (DO) No. 9, s. 2005 (Instituting Measures to Increase Engaged Time-on-Task and Ensuring Compliance Therewith) na hindi ito makaaabala ng regular na klase. Gayundin tiyakin ang pagsunod sa mga tuntuning isinasaad sa DO 66, s. 2017 (Implementing Guidelines on the Conduct of Off-Campus Activities) kaugnay sa pagsasagawa ng mga Off-Campus Activity.
6. Para sa karagdagang detalye at impormasyon, maaaring makipag-ugnayan sa Sangay ng Impormasyon at Networking (SIP) sa telepono blg. 09920417625 o kwf.pressrelease@kwf.gov.ph. Maaari ring magpadala ng liham sa Kagawaran ng Edukasyon, Kawanihan ng Linangan ng Pagkatuto sa emailna bld.od@deped.gov.ph kung may katanungan o paglilinaw
7. Hinihiling ang maaga at malawakang pag-papalaganap ng Memorandum na ito.
Alinsunod sa awtoridad na iginawad ng Kalihim:
(SGD) GINA O. GONONG
Pangalawang Kalihim
Kalakip:
Gaya ng isinasaad
Sanggunian:
Memorandum Pangkagawaran Blg. 036, s. 2023
DepEd Order (Nos. 66, s. 2017 at 9, s. 2005)
Ilalagay sa Palagiang Taluntunan
sa ilalim ng sumusunod na paksa:
BASIC EDUCATION
BUREAUS AND OFFICES
CELEBRATIONS AND FESTIVALS
CURRICULUM
LANGUAGE
PROGRAMS
LEARNING AREA, FILIPINO
SCHOOLS
(Kalakip mula sa Memorandum Pangkagawaran Blg. 038 s. 2024)
Linggo at Tema | Antas at mga Gawain | |||
K-3 | Baitang 4-6 | Baitang 7-10 | Baitang 11-12 | |
1-3 Agosto FSL tungo sa Ingklusibo sa Pambansang Kaunlaran | · Pagtitipon ng mga pagbati sa Filipino Sign Language (FSL) | |||
5-10 Agosto Sistematiko at maka-Agham na Pananaliksik tungo sa Pambansang Kaunlaran | · Pagbabasa ng mga kuwentong pambata hinggil sa kahalahagahan ng makaagham na pananaliksik. | · Pagsulat ng mga tula na may kinalaman sa maka-agham na pananaliksik. · Pagsulat ng rap hinggil sa halaga ng sistematikong makaagham na pananaliksik sa Pambansang Kaunlaran. | ||
12-17 Agosto Paggamit ng Indigenous Knowledge System and Practices (IKSP) sa Scientific Research | · Pagsasaliksik ng Indigenous Knowledge System and Practices (IKSP) mula sa iba't ibang rehiyon. · Pagsulat ng sanaysay hinggil sa Indigenous Knowledge System and Practices (IKSP) · Pagsasadula ng Indigenous Knowledge | |||
19-23 Agosto Katutubong Wika sa Pagpapaunlad ng Edukasyong Pambansa | · Paggawa ng maikling komentaryo/blog/vlog na tumatalakay sa kahalagahan ng mga katutubong wika sa Pagpapaunlad ng Edukasyong Pambansa · Paglikha ng awit gamit ang wikang katutubo hinggil sa Pagpapaunlad ng Edukasyong Pambansa | |||
26-31 Agosto Paglaban sa Misinformation (fact checking) | · Online forum/ Seminar hinggil sa Literasiyang Pang-media. · Paglalagom ng mga naging gawain sa Buwan ng Wika. |
Full copy of DepEd Memorandum No. 038, s. 2024 below:
0 Comments