LATEST NEWS

6/recent/ticker-posts

DepEd Memorandum No. 036, s. 2023 : Buwan ng Wikang Pambansa 2023


DepEd Memorandum No. 036, s. 2023

Buwan ng Wikang Pambansa 2023

DepEd Memorandum No. 036, s. 2023 : Buwan ng Wikang Pambansa 2023

 

JUN 29 2023

 

MEMORANDUM PANGKAGAWARAN

Blg. 036, s. 2023

 

BUWAN NG WIKANG PAMBANSA 2023

 

Sa mga:           Direktor ng Kawanihan

Direktor ng mga Rehiyon

Tagapamahala ng mga Paaralan

Pinuno ng mga Pampubliko at Pribadong Paaralan

 

1. Alinsunod sa itinakda ng Proklamasyon Blg. 1041, s. 1997, ang Buwan ng Wikang Pambansa 2023 ay ipagdiriwang sa Agosto 1-31, 2023 sa pangunguna ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF).

 

2. Para sa sabayang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2023, ipinatutupad ang KWF Kapasiyahan ng Kalupunan Blg. 06-02 Serye 2023 na nagtatakda ng temang Filipino at mga Katutubong Wika: Wika ng Kapayapaan, Seguridad, at Ingklusibong Pagpapatupad ng Katarungang Panlipunan at naglalayon na ilaan ang Agosto bilang lunsaran ng mga pagpupunyagi sa kasaysayan ng bansa at mga wika.

 

3. Layunin ng Buwan ng Wikang Pambansa 2023 ang sumusunod:

 

a. Ganap na maipatupad ang Pampanguluhang Proklamasyon Blg. 1041;

b. Maiangat ang kamalayan ng mga mamamayang Pilipino ukol sa wika at kasaysayan nit6; 

c. Mahikayat ang iba't ibang ahensiyang pampamahalaan at pampribado na makiisa sa mga programang tulad nito na nagpapataas ng kamalayang pangwika at sibiko;

d. Maganyak ang mga mamamayang Pilipino na pahalagahan ang mga wika ng Pilipinas sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok sa mga gawain kaugnay ng Buwan ng Wikang Pambansa; at

e. Maipakilala sa mga mamamayang Pilipino ang KWF bilang ahensiya ng pamahalaan na nangangalaga sa mga wika ng Pilipinas sa pamamagitan ng mga programang pangwika nit6.

 

4. Narito ang limang lingguhang tema at mungkahing mga gawain para isang buwang pagdiriwang:

 

Petsa at Tema

Mungkahing mga Gawain para sa Publiko at Pribado Tanggapan ng Kagawaran

Agosto 1-5

Unang Linggo:

 

Pagkilala at Pagtaguyod sa Filipino Sign Language(FSL) bilang Parnbansang

Wikang Senyas ng Pilipinas

Mga gawain hinggil sa paksang kabilang ngunit

hindi limitado sa salitang pagbati sa Filipino Sign Language at online forum hinggil sa kahalagahan nito. Maaaring makipag-ugnayan kay Patrick Ablaza (fsl.yunit@kwf.gov.ph) ng Yunit ng FSL ng Komisyon sa Wikang Filipino kaugnay sa nabanggit.

Agosto 7-12

Ikalawang Linggo

 

Mga Wikang Katutubo: Midyum ng Pagtuturo,

Pananaliksik, at Pagkakaisa

Mga timpalak sa pagsulat ng tula at masining ng pagkukuwento gamit ang wikang katutubo gamit ang pamantayan/kraytirya na itatakda ng

magsasagawa ng timpalak.

Agosto 14-19

Ikatlong Linggo

 

Mga Wikang Katutubo: Kasangkapan ng Siyensiya at Teknolohiya tungo sa Maunlad na Bansang Pilipinas

Mga timpalak sa pagsulat ng sanaysay gamit ang wikang katutubo hinggil sa karanasan ng marnarnayan na sumasalamin sa pagkakaisa tungo sa maunlad na Pilipinas gamit ang pamantayan/kraytirya na itatakda ng magsasagawa ng timpalak.

Agosto 21-26

Ikaapat na Linggo

 

Mga Wikang Katutubo: Pambansang Pag-uswag at Pakikipagkapuwa sa Pagpapaunlad ng Katarungang Panlipunan

Mga timpalak sa paggawa ng maikling komentaryo/blog/vlog at paglikha ng awit gamit ang parnantayan/kraytirya na itatakda ng magsasagawa ng timpalak.

Agosto 28-31

Ikalimang Linggo

 

Wikang Filipino: Wikang Mapagbangon

Maaaring magkaroon ng pangwakas na gawain/kulmineysyon.

Nakasaad din sa kalakip ang Mga Mungkahing Gawain sa Bawat Antas

 

5. Ang mga tema at mungkahing gawain ay pagtupad din sa Batas Republika 11106, ang Filipino Sign Language Actgayundin sa 2022-2032 International Decade on Indigenous languages ng UNESCO at 2030 Agenda and achievement of the 17 Sustainable Development Goals (SDGs).

 

6. Sa pagsasagawa ng mga nabanggit na gawain, dapat tiyakin ang pagtalima sa DepEd Order (DO) No. 9, s. 2005 (Instituting Measures to Increase Engaged Time-onTask and Ensuring Compliance Therewith) na hindi ito makaaabala ng regular na klase. Gayundin tiyakin ang pagsunod sa mga tuntuning isinasaad sa DO 003, s. 2023 (An Order Allowing the Conduct of In-Person Activities in Schools) na naglalahad ng mga pamantayan sa pagsasagawa ng mga in-person activity. lsaalang-alang din ang DO 66, s. 201 7 (Implementing Guidelines on the Conduct of Off-Campus Activities) kaugnay sa pagsasagawa ng mga Off-Campus Activity.

 

7. Hinihikayat na makilahok sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Parnbansa 2023 ang lahat ng antas ng tanggapang pangkagawaran mula sa nasyonal, rehiyon, dibisyon, at mga paaralang publiko maging sa pribado.

 

8. Maaaring magamit na pondo ang local funds, kung mayroon at pahihintulutan alinsunod sa tuntunin ng pamahalaan sa wastong pagtutuos at pag-aawdit.

 

9. Para sa iba pang detalye at impormasyon, maaaring makipag-ugnayan sa Kawanihan ng Linangan sa Pagkatuto sa pamamagitan ni Gaudencio Luis N. SerranoSupervising Education Program Specialist, sa email na gaudencio.serrano@deped.gov.ph o kaya sa Sangay ng Edukasyon at Networking (SEN) sa email na komfil@kwf.gov.ph o sa mobile phone blg. 0928-8441349.

 

10. Hinihiling ang maaga at malawakang pagpapalaganap ng Memorandum na ito.

 

  

 

Alinsunod sa awtoridad na iginawad ng Kalihim:

 

 

(SGD) GINA O. GONONG

Pangalawang Kaliihim

 

 

Kalakip: 

Gaya ng sinasaad

 

Sanggunian:

            Memorandum Pangkagawaran Blg. 073, s. 2022

            DepEd Order (Nos. 003, s. 2023; 66, s. 2017; at 9, s. 2005)

 

Ilalagay sa Palagiang Taluntunan sa ilalim

ng mga sumusunod na paksa:

 

BUREAUS AND OFFICES

CELEBRATIONS AND FESTIVALS

CURRICULUM

LANGUAGE

LEARNING AREA, FILIPINO

SCHOOLS

 

(Kalakip sa Memorandum Pangkagawaran Blg. 036, s. 2023)

 

Mga Mungkahing Gawain sa Bawat Antas

 

Linggo at Tema

Antas at mga Gawain

 

K-3

Baitang 4-6

Baitang 7-10

Baitang 11-12

1-5 Agosto

 

Linggo 1: Pagkilala at Pagtaguyod sa Filipino Sign Language (FSL) bilang Pambansang Wikang Senyas ng Pilipinas

·       Pagtitipon ng mga salitang pagbati (Halimbawa: Magandang umaga po, Magandang hapon po, at iba) na isesenyas sa Filipino Sign Language bilang pagpapakilala ng FSL bilang ingklusibo sa pamayanan.

·      Pagdaraos ng mga online forum at talakayan hinggil sa kahalagahan ng Filipinio Sign Language (FSL) sa bawat Pilipino.

7-12 Agosto

 

Linggo 2: Mga Wikang Katutubo: Midyum ng Pagtuturo, Pananaliksik, at Pagkakaisa

 

·       Pagtitipon ng mga katutubong salita na pangkaraniwang ginagamit sa tahanan

·      Pagsulat ng mga tula hinggil sa pagkakaisa gamit ang wikang katutubo.

 

·      Timpalak sa muling pagsalaysay ng mga kuwentong-bayan hinggil sa pagkakaisa gamit ang wikang katutubo

14-19 Agosto

 

Linggo 3: Mga Wikang Katutubo: Kasangkapan ng Siyensiya at Teknolohiya tungo sa Maunlad na Bansang Pilipinas

 

·       Pagsulat ng sanaysay gamit ang wikang katutubo hinggil sa karanasan ng mamamayan na sumasalamin sa pagkakaisa tungo sa maunlad na Pilipinas.

·       Pananaliksik sa siyensiya at teknolohiya at kasalukuyang estado ng isang katutubong wika.

21-26 Agosto

 

Linggo 4: Mga Wikang Katutubo: Pambansang Pag-uswag at Pakikipagkapuwa sa Pagpapaunlad ng Katarungang Panlipunan

 

·       Paggawa ng maikling komentaryo/blog/vlog na tumatalakay sa kahalagahan ng mga katutubong wika sa pakikipagkapuwa sa lipunang Pilipino.

·       Paglikha ng awit gamit ang wikang katutubo na nagpapakita at nagtataguyod ng katarungang panlipunan.

28-31 Agosto

 

Linggo 5: Wikang Filipino: Wikang Mapagbangon

 

·       Paglalagom ng mga naging Gawain sa Buwan ng Wikang Pambansa 2023

 

A full copy of DepEd Memorandum No. 036, s. 2023 below:


Post a Comment

0 Comments