MAR 06 2023
MEMORANDUM PANGKAGAWARAN
Blg. 015, s. 2023
BUWAN NG PANITIKANG PAMBANSA 2023
Sa mga: Direktor ng Kawanihan
Direktor ng mga Rehiyon
Tagapamanihala ng mga Paaralan
Pinuno ng mga Pampubliko at Pribadong Paaralan
1. Alinsunod sa itinakdang Proklamasyon Blg. 968 na nilagdaan noong Pebrero 10, 2015, na nagdedeklara sa buwan ng Abril bilang Buwan ng Panitikang Pambansa o National Literature Month na nagbibigay halaga sa panitikan na nakalimbag sa iba't ibang wika sa Pilipinas na itinuturing na pamanang pangkultura sa mga susunod na henerasyon.
2. Ang tema ng Buwan ng Panitikang Pambansa 2023 ay Kultura ng Pagkakaisa: Pagpapaalab ng Pagkakaisa sa Pamamagitan ng Panitikan.
3. Kaugnay nito, malugod kayong inaanyayahan na makilahok sa mga sumusunod na timpalak ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) bilang pakikiisa sa mahalagang gawaing ito:
a. Talaang Ginto: Makata ng Taon 2023. Ito ay isang patimpalak sa pagsulat ng tula na itinataguyod ng KWF na naglalayong pasiglahin at pataasin ang uri ng panulaang Filipino sa pamamagitan ng pagkilala sa mga batikan at baguhang talino at. tinig sa sining ng tula. Dedlayn: Pebrero 26, 2023, 5:00 nh.
b. Timpalak sa Tulang Senyas 2023. Ang Timpalak sa Tulang Senyas ay kauna-unahang patimpalak sa pagtula sa pasenyas na paraan. Itinataguyod ito ng KWF na naglalayong kilalanin at bigyang-puwang ang di-matatawarang kakayahan at husay ng mga kababayang kabilang sa Deaf Community, at makapagambag sila sa panulaang Filipino ng kanilang obra sa pamamagitan ng pasenyas na pagtula. Dedlayn: Pebrero 28, 2023, 5:00 nh.
c. Dangal ng Panitikan 2023. Ito ay ang mataas na pagkilala sa naiambag sa panitikang Pilipino o lifetime achievement award. Binibigyang-pagpupugay nito ang natatanging manunulat na nagpakita ng pagpapahalaga sa kultura, kaakuhan, at kayamanang pamana, bukod sa pambihirang pagkasangkapan sa Filipino at iba pang wikang panrehiyon o panlalawigan. Dedlayn: Pebrero 26, 2023, 5:00 nh.
4. Kalakip ng Memorandum na ito ang mga sumusunod na naglalahad ng tuntunin ng mga timpalak:
Kalakip Blg. 1 : Talaang Ginto: Makata ng Taon 2023
Kalakip Blg. 2 : Timpalak sa Tulang Senyas 2023, at
Kalakip Blg. 3 : Dangal ng Panitikan 2023
5. Para sa iba pang detalye at impormasyon, maaaring makipag-ugnayan sa Sangay ng Edukasyon at Networking(SEN), Komisyon ng Wikang Filipino, sa email komfil@kwf.gov.ph o timpalak.gawad@kwf.gov.ph o sa selfon blg. 0928-844-1349.
6. Hinihiling ang maaga at malawakang pagpapalaganap ng Memorandum na ito.
Alinsunod sa awtoridad na iginawad ng Kalihim
(SGD) GINA O. GONONG
Pangalawang Kalihim
Kalakip:
Gaya ng nasasaad
Sanggunian:
Wala
Ilalagay sa Palagiang Taluntunan sa ilalim
ng mga sumusunod na paksa:
BUREAUS AND OFFICES
CELEBRATIONS AND FESTIVALS
CURRICULUM
LANGUAGE
LEARNING AREA, FILIPINO
SCHOOLS
(Kalakip sa Memorandum Pangkagawaran Blg. 015, s. 2023)
MGA TUNTUNIN
SA TALAANG GINTO: MAKATA NG TAON 2023
1. Ang Talaang Ginto: Makata ng Taon ay isang patimpalak sa pagsulat ng tula na itinataguyod ng KWF na naglalayong pasiglahin at pataasin ang uri ng panulaang Filipino sa pamamagitan ng pagkilala sa mga batikan at baguhang talino at tinig sa sining ng tula.
2. Bukas ang timpalak sa lahat ng mga Pilipino-babae man o lalaki, anumang edad-maliban sa mga kawani ng KWF at kanilang kaanak.
3. Ang entring ipapasa ay maaaring alinman sa dalawa, isang mahabang tula na may isang daan (100) o higit pan.g taludtod, o isang koleksiyon ng sampung (10) maiikling tula (10-12 taludtod) na may magkakaugnay na tema. Kinakailangang may pamagat ang ipapasang koleksiyon. Malaya ang paksa ngunit kailangang tumatalakay sa isang mahalagang paksaing panlipunan sa kasalukuyan. Ang ipapasang mahabang tula o maiikling tula ay malaya (walang tugma at sukat). Maaari ding ialinsunod ang paksa ng kalipunan ng mga tula sa tema ng Buwan ng Panitikan 2023: "Kultura ng Pagkakaisa: Pagpapaalab ng Pagkakaisa sa Pamamagitan ng Panitikan." lsang entri lamang sa bawat kalahok ang tatanggapin ng KWF. Hindi pinapayagan ang maramihang entri.
4. Ang lahok ay kailangang orihinal at nasusulat sa Filipino, hindi salin ng nalathala nang tula, at hindi pa nalalathala sa alinmang publikasyon. Ang sinumang mahuli at mapatunayang nagkasala ng pangongopya ay kakanselahin ng KWF ang ipinagwaging lahok nit6 sa timpalak at hindi na muling makasasali pa sa
alinmang timpalak ng KWF.
5. Para sa pagsusumite ng lahok, ilakip sa isang brown envelope ang sumusunod:
• Apat (4) na kopya ng kompiyuterisadong lahok. Gagamitin ang font na Arial 12 pt, may dobleng espasyo, at may isang pulgadang palugit sa bawat gilid na nakaprint sa short bond paper na may sukat na 8 ½ x 11 pulgada;
• Kinakailangang magtataglay lamang ng sagisag-panulat (pen name) na kailanman ay hindi pa ginamit at walang kahit anong pahiwatig ng tunay na pangalan ng kalahok;
• Notaryo na nagpapatunay na orihinal at hindi pa nalalathala ang lahok;
•Entri Form (Sagutan, i-print at ilakip); Tingnan ang link na https://m5.gs/Mjl4U3;
• Curriculum vitae at/o bionote ng makata; at
• lsang 2x2 retrato ng kalahok.
6. Ipadala ang lahok sa:
Lupon sa Talaang Ginto 2023
Komisyon sa Wikang Filipino
2/P Gusaling Watson, 1610 Kalye J.P. Laurel,
San Miguel, Lungsod Maynila
7. Ang huling araw ng pagsusumite ng lahok ay sa 26 Pebrero 2023, 5:00 nh. Hindi na mauurong ang araw ng pagsusumite.
8. Magpapadala ang KWF ng mensahe (text) kung naranggap na ang lahok.
9. Ang mga gantimpala ay ang sumusunod:
Unang gantimpala, PHP30,000 (net) + titulong "Makata ng Taon 2023”, tropeo, at medalya;
lkalawang gantimpala, PHP20,000.00 (net) at plake;
lkatlong gantimpala, PHPI 5,000.00 (net) at plake
10.Ang pasiya ng Lupon ng Inampalan ay pinal at hindi na mababago.
11. Ang lahat ng mga natanggap na lahok ay hindi na ibabalik at angkin ng KWF ang unang opsiyon sa paglilimbag ng mga nagwaging akda.
12. Para sa karagdagang detalye, mag-text o tumawag sa 0928-844-1349 o mag email sa timpalak.gawad@kwf.gov.ph.
MGA TUNTUNIN
SA TIMPALAK SA TULANG SENY AS 2023
1. Ang Timpalak sa Tulang Senyas ay kauna-unahang patimpalak sa pagtula sa pasenyas na paraan. Itinaguyod ito ng KWF na naglalayong palaganapin ang FSL bilang tunay na wika, pagsulong sa kultura ng Filipino Deaf sa pamamagitan ng panitikan, kilalanin at bigyang-puwang ang di-matatawarang kakayahan at husay ng mga kababayang Deaf, at makapag-ambag sila sa panulaang Filipino ng kanilang obra sa pamamagitan ng pasenyas na pagtula.
2. Bukas ang timpalak sa lahat ng mga Filipino citizen, anumang edad, na matatas sa FSL, babae man o lalaki sa buong mundo, maliban sa kawani ng KWF at kanilang mga kaanak. Maaaring lumahok sa isa sa dalawang kategorya ng timpalak:
• Bingi o Hard-of-Hearing,
• Hindi Bingi
3. Ang entring ipapasa ay isang tulang senyas na hindi bababa sa dalawampu't apat na taludtod o linya at hindi lalagpas sa apatnapung taludtod o linya. Kinakailangang may pamagat ang ipapasang koleksiyon. Ang paksa ng tula ay salig sa tema ng Buwan ng Panitikan 2023 na "Kultura ng Pagkakaisa: Pagsisiyasat ng Pagkakaisa sa Pamamagitan ng Panitikan." Ang ipapasang tula ay malaya (walang tugma at sukat).
4. Ang lahok ay kailangang orihinal at isesenyas gamit ang Filipino Sign Language (FSL), hindi salin ng nalathala nang tula, at hindi pa nasesenyas at nalalathala sa alinmang platform. Ang sinumang mahuli at mapatunayang nagkasala ng pangongopya ay kakanselahin ng KWF ang ipinagwaging lahok nit6 sa timpalak at hindi na muling makasasali pa sa alinmang timpalak ng KWF.
5. Ang pamantayan sa pagmamarka ay:
KATEGORYA | BAHAGDAN | PUNTOS |
Orihinalidad at kaangkupan sa Tema
Ang tulang senyas ay orihinal at hindi pa nasesenyas o nalalathala sa alinmang platform. Ang gumawa ng tulang senyas at ang sumenyas sa lahok na video ay iisang tao lamang. | 10% |
|
Estraktura ng Tula
Ang mga taludtod o linya ay magkakaugnay, organisado, at nakapanghihikayat. | 10% |
|
Kawastuhan at Kalinawan ng Senyas
Ang pagsenyas ng tula gamit ang Filipino Sign Language (FSL) ay wasto at malinaw | 25% |
|
Pagpapahayag Gamit ang FSL
Naipamalas ang kakayahang maipahayag ang tula sa pamamagitan ng malikhaing pagsenyas ng mga kamay at nakahihikayat na ekspresyon ng mukha, at angkop na galaw ng katawan. | 50% |
|
Kahandaan ng Kalahok
Ang kalahok ay kakikitahan ng kahandaan at tiwala sa sarili, tamang tindig, at angkop na kasuotan (gaya ng rehiyonal na kasuotan) na tugma sa paksa ng tula. | 5% |
|
Kabuoang Marka | 100% |
|
6. Para sa pagsusumite ng lahok ilakip sa email ang sumusunod:
• Isang (1) rekorded na video file ng bersiyon ng tu la sa FSL at sa format na .mp4 o .mov. I-save ito gamit ang format na: Tulang Senyas_Apelyido_Pamagat_2;
• Entri form; Tingnan ang link na: https://m5.gs/NUk0ek
• Sertipikasyon o katibayan bilang Deaf na Pilipino;
• Kung Deaf o Hard-of-Hearing, scanned copy ng PWD ID;
• Notaryo na nagpapatunay na orihinal ang lahok;
• Curriculum vitae at/o resume ng kalahok; at
• Isang 2x2 retrato ng kalahok.
7. Ipadala ang lahok sa gawad@kwf.gov.ph na may subject na: Tulang Senyas_Apelyido_Parnagat_Kategorya.
8. Ang huling araw ng pagsusumite ng lahok ay sa 28 Pebrero 2023, 5:00 nh. Hindi na mauurong ang araw ng pagsusumite.
9. Magpapadala ang KWF ng mensahe (text o email) kung natanggap na ang lahok.
10. Ang mga gantimpala ay ang sumusunod:
Katergorya A – Bingi at/o Hard-of-Hearing:
Unang gantimpala, PHPl0,000 (net). plake, at medalya;
lkalawang gantimpala, PHP7,500.00 (net) at plake; at
Ikatlong gantimpala, PHP5.000.00 (net) at plake.
Kategorya B - Hindi Bingi
Unang gantimpala, PHPl0,000 (net), plake, at medalya;
lkalawang gantimpala, PHP7,500.00 (net) at plake; at
lkatlong gantimpala, PHPS,000.00 (net) at plake.
11. Ang pasiya ng Lupon ng Inampalan ay pinal al hindi na mababago.
12. Ang lahat ng mga natanggap na lahok ay hindi na ibabalik at angkin na ng KWF ang video, kasama ang unang opsiyon sa online publication ng video ng mga nagwaging lahok.
13. Para sa karagdagang detalye, mag-text o tumawag sa 0928-844-1349 o mag-email sa gawad@kwf.gov.ph.
MGA TUNTUNIN
SA DANGAL NG PANITIKAN 2023
1. Ang Gawad Dangal ng Panitikan ay ang mataas na pagk.ilala sa naiambag sa panitikang Pilipino o lifetime achievement award. Binibigyang-pagpupugay nito ang natatanging manunulat na nagpakita ng pagpapahalaga sa kultura, kaakuhan, at kayamanang pamana, bukod sa pambihirang pagkasangkapan sa Filipino at iba pang wikang panrehiyon o panlalawigan.
2. Bukas ang nominasyon sa mga institusyon at/o manunulat-lalaki man o babae-na nakapag-ambag sa pagpapayaman ng panitikan ng Pilipinas. Ang mga ambag ay dapat na nagpapakita ng pagpapahalaga sa kultura, kaakuhan, at kayamanang pamana, bukod sa pambihirang pagkasangkapan sa wikang Filipino.
3. Para sa mga indibidwal, kinakailangang may gulang na hindi bababa sa apatnapung (40) taon. Para sa mga samahan, tanggapan, ahensiyang pampamahalaan, at/ o pribadong sektor, kinakailangang naestablisa nang hindi bababa sa limang (5) taon.
4. Mayroong katipunan ng mga akda o gawaing nakapag-ambag sa panitikang Pilipino at mga katutubong wika ng Pilipinas (kinakailangang ilakip sa nominasyon bilang pruweba.)
5. Ang mga nominado ay marapat na manggaling sa rekomendasyon ng indibidwal o pangkat mula sa la bas ng KWF.
6. Para sa nominasyon, ihanda ang sumusunod na kompletong dokumento:
• KWF Pormularyo ng Nominasyon (1-print-sagutan at ilakip) Tingnan ang link na: https://m5.gs/cUVOVH;
• Liham nominasyon na nagsasaad ng buod ng kalipikasyon ng nominadong indibidwal o samahan at nilagdaan ng nagnomina; Curriculum vitae (kung indibidwal) o profayl ng organisasyon (kung
samahan); at
• Mga pruweba sa katipunan ng mga akda na nagpapakita ng pagpapahalaga sa kultura, kaakuhan, at kayamanang pamana, bukod sa pambihirang pagkasangkapan sa wikang Filipino.
7. Ilagay sa isa o higit pang long brown envelope ang mga tinukoy sa bilang 6 at ipadala sa adres na nasa ibaba:
Lupon sa Gawad Dangal ng Panitikan 2023
Komisyon sa Wikang Filipino
2/P Gusaling Watson, 1610 Kalye J.P. Laurel
San Miguel, Lungsod ng Maynila
8. Ang huling araw ng pagpapasa ng nominasyon ay sa 26 Pebrero 2023, 5:00 nh.
9. ang tatanghaling Dangal ng Panitikan 2023 ay tatanggap ng naturang gawad sa iginagayak na programa ng KWF sa Araw ni Balagtas, 3 Abril 2023.
10. Para sa iba pang detalye, tumawag o mag-text sa 0928-844-1349 o magpada ng email sa timpalak.gawad@kwf.gov.ph.
Ang buong kopya ng Memorandum Pangkagawaran Blg. 015, s. 2023 ay makikita sa ibaba:
0 Comments