| 29 JUL 2021 |
| |||||||||||
MEMORANDUM PANGKAGAWARAN |
| ||||||||||||
Blg. | 046, s. 2021
|
| |||||||||||
BUWAN NG WIKANG PAMBANSA 2021
|
| ||||||||||||
Sa mga: | Direktor ng Kawanihan Direktor ng mga rehiyon Tagapamanihala ng mga Paaralan Pinunuo ng mga Pampubliko at Pribadong Paaralan
| ||||||||||||
1. | Alinsunod sa itinakdang Pampanguluhang Proklamasyon Blg. 1041, s. 1997, na nagpapahayag ng taunang Buwan ng Wikang Pambansa tuwing Agosto 1-31, ang pagdiriwang ay pangungunahan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF).
| ||||||||||||
2. | Para sa sabayang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa at Buwan ng Kasaysayan, ipinatutupad ang KWF Kapasiyhan ng Kalupunan Blg. 21-17 na nagtatakda ng temang, Filipino at Mga katutubong Wika sa Dekolonisasyon ng Pag-iisip ng mga Pilipino, na naglalayon na ilaan ang Agosto bilang lunsaran ng mga pagpupunyagi sa kasysayan ng bansa at mga wika.
| ||||||||||||
3. | Layunin ng Buwan ng Wika 2021 ay ang mga sumusunod:
a. Ganap na maipatupad ang Pampanguluhang Proklamasyon Blg. 1041; b. Maiangat ang kamalayan ng mga mamamayang Pilipino ukol sa wika at kasaysayan nito; c. Mahikayat ang iba’t ibang ahensiyang pampamahalaan at pampribado na makiisa sa mga programang tulad nito na nagpapataas ng kamalayang pangwika at sibiko; d. Maganyak ang mga mamamayang Pilipino na pahlagahan ang mga wika ng Filipinas sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok sa mga Gawain kaugnay ng Buwan ng Wikang Pambansa; at e. Maipakilala sa mga mamamayang Pilipino ang KWFT bilang ahenssiya ng pamahalaan na nangangalaga sa mga wika ng Filipinas sa pamamagitan ng mga programang pangwika nito.
| ||||||||||||
4. | Hinati sa apat na lingguhang tema ang isang buwang pagdiriwang:
| ||||||||||||
5. | Kalakip nito ang mungkahing mga Gawain angkla sa lingguhang tema ng isang buwang pagdiriwang.
| ||||||||||||
6. | Mungkahi ang mga Gawain sa paaralang nagsimula na ng Taong Panuruan at gagawin ito nang birtuwal. Samantala, hindi ito sapilitan sa mga paaralang nasa bakasyon pa.
| ||||||||||||
7. | Para sa iba pang detalye at impormasyon, maaring makipag-ugnayan sa Sangay ng Edukasyon at Networking (SEN) sa email komisyonsawika@gmail.com o selfon bilang 0928-844-1349 at Kawanihan ng Linangan sa Pagkatuto sa email bld.od@deped.gov.ph o telepono bilang (02) 8637-4347.
| ||||||||||||
8.
| Hinihiling ang maaga at malawakang pagpapalaganap ng Memorandum na ito.
| ||||||||||||
| (SGD) LEONOR MAGTOLIS BRIONES Secretary | ||||||||||||
|
| ||||||||||||
Kalakip: Gaya ng sinasaad
|
| ||||||||||||
Sanggunian: Memorandum Pangkagawaran Blg. 059 s. 2020
Ilalagay sa Palagiang Taluntunan sa ilalim |
| ||||||||||||
| ng mga sumusunod na paksa:
BUREAUS AND OFFICES CELEBRATIONS AND FESTIVALS CURRICULUM LANGUAGE LEARNING AREA, FILIPINO SCHOOL |
| |||||||||||
To download the full memorandum, click here.
0 Comments