MAY 02 2023
MEMORANDUM PANGKAGAWARAN
Blg. 027, s. 2023
ARAW NI BALAGTAS 2023
Sa mga: Direktor ng Kawanihan
Direktor ng mga Rehiyon
Tagapamanihala ng mga Paaralan
Pinuno ng mga Pampubliko at Pribadong Paaralan
1. Alinsunod sa itinakdang Proklamasyon Blg. 964 na nilagdaan noong Pebrero 11, 1997, ang ikalawang araw ng Abril taon-taon ay Araw ni Francisco "Balagtas" Baltazar.
2. Ang tema ng Araw ni Balagtas 2023 ay Kultura ng Pagbabasa tungong Pagkakaisa.
3. Kaugnay nito, pangungunahan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang Pag-aalay ng Bulaklak sa Bantayog ni Balagtas sa mga sumusunod na lugar:
· Hardin ni Balagtas, Orion, Bataan;
· Liwasang Balagtas, Pandacan, Maynila; at
· Francisco Balagtas Memorial School, Balagtas, Bulacan.
4. Hinihikayat na makilahok ang mga opisyal at puno ng mga paaralan na malapit sa pagdarausan ng mga gawaing ito.
5. Maaaring gamiting pondo ang local funds alinsunod sa mga tuntunin ng pamahalaan sa wastong pagtutuos at pag-aawdit.
6. Para sa iba pang detalye at impormasyon, makipag-ugnayan sa Sangay ng Edukasyon at Networking (SEN) sa telepono blg. 0929-255-9018 o komfil@kwf.gov.ph.
7. Hinihiling ang maaga at malawakang pagpapalaganap ng Memorandum na ito.
Alinsunod sa awtoridad na iginawad ng Kalihim:
(SGD) GINA O. GONONG
Pangalawang Kalihim
Sanggunian:
Memorandum Pangkagawaran Blg. 13, s. 2014
Ilalagay sa Palagiang Talatuntunan sa ilalim
Ng mga sumusunod na paksa:
CELEBRATIONS AND FESTIVALS
LANGUAGE
LEARNERS
LEARNING AREA, FILIPINO
SCHOOLS
TEACHERS
A full copy of DepEd Memorandum No. 027, s. 2023 below:
0 Comments